Kwento ng Balang

0 comments

DISCLAIMER
The owner of this blog or the IPS(s) hosting any content on this blog take no responsibility for the way you use the information provided on this blog, if you are affiliated with the goverment or an anti piracy group or any related group you connot use this blog, if you do choose to ignore these rules, the author or any in posssession is not reposible for your action pertaining to the information in this blog

This blog was made for educational and entertainment purpose only.


Si Magandang-loob ay isang mayamang magbubukid. Ang kanyang palayan ay napakalawak kaya't kung ilarawan ang laki ay karaniwang sinasabing "di malipad ng uwak."

Samantalang si Magandang-loob ay saganang sagana sa buhay, ang mga nanirahan naman sa kanyang purok ai naghihikahhos. Sila'y masissipag at walang sawa sa paaggawa nguni't anuman ang gawin nilang pagsusumikap ay hindi rin sila makakita ng sapat na ikabubuhay.

Si Magandang-loob ay may katiwala na aang paangalan ay Masunurin. Isaang araw, si Masunurin ay tinanong ni Magandang -loob.

"Ang mga tao bas a ating purok ay bibigyan mo ng palay? Sila'y naghhirap at walang makain. Kaawa-awa naman sila."

"Araw-araw po ay bibigyan ko sila," ang sagot I Masunurin. "Hindi po kayatayo kapusin kung magpapatuloy tayo ng pagbibigay araw-araw?"

"Kayo po ang masusunod," ang sang-ayon ni Masunurin.

"Maalala ko pala, Masunurin," ang habol ni Magandang-loob, "bibigyan mo rin sila ng mga gulay at bungangkahoy. Maraaami tayong gualy at bungangkahhoy at malamang na masira lamang. Mabutttng ipaamigay kaysa sa mabulok."

"Gagawin ko po ang lahat ng inyong ipinagbilin," ang sagot ni Masunurin.

Dahil sa kabaitan ni Magandang-loob, siya'y napamahal sa lahat ng naninirahan sa purok na iyon. Ang bagay na ito ayumabot sa kaalaman ni Maiinggitin kaya't umisip agad si Mainggitin ng paraan upang si Magandang-loob ay mapasama sa kanyang mga kapit-bahay.

Isang araw, si Mainggitin ay nagsadya sa tahanan ni Magandang-loob, "Magandang araw sa iyo, Magandang-loob, "ani Mainggitin.

"Aba, Mainggitin," ang masayang bati ni Magandang-loob, Mabuti't naparito ka, maupo ka. Masunurin, magpasok ka nga ng maiinom. May panauhin tayo."

Matapos ang kamustahan, si Mainggitin ay tiningnan ni Magandang-loob.

"Ano ba, Maingitin ang dahilan at napadalaw ka sa akin? May maitutulong ba ako sa iyo?"

Si Mainggitin ay ngumiti muna bago sumagot.

"Sa maitutulong, Magandang-loob, ay wala. Manapa'y ako ang maay maitutulong sa iyo kaya ako ay nagsadya rito."

"Maitutulong saa akin?" ang nagtatakang wwwwika ni Magandang-loob. " Ano aaang ibig mong sabihin, Mainggitin?"

"Makinig ka, Magandang-loob. Ikaw ay kaibbigan ko kaya't hindi ko gustong umabot sa iyo ang nangyari sa akin. Noong una ay katulad mo rin akong maawain at mapaglimos sa kapwa. Sukat na ang Makita kong naghihirap sa buhay ang aking mga kaibigan ay padadalhan ko agad ng pagkain at salapi. Ang akala ko'y mabuti ang gayon. Iyon pala ay paagsisisihan ko lamang."

"At bakit?" ang tanong ni Magandang-loob.

"Sapagka't iyang mga ginagawa mong kabutihang-loob ngayon ay siya ring magpapanganyaya sa iyo," ani Mainggitin. "Isipin mo ang sinabi ko sa iyo, Magandang-loob, at natitiyak kong tuturringin mong wasto."

Nang si Mainggitin ay makaalis, si Magandang-loob ay matagal na nag-isip.Tila nga naman may katwiran si Maingitin. Bakit niya iisipin ang kabuhayan ng iba? Kung siya naman ang mawalan ng makakain, may tutulong kaya sa kanya."

"Masunurin," ang tawag ni "Magandang-loob, "Masunurin, halika't may ipag-uutos ako sa iyo."

Nang si Masunurin ay makaharap na sa kanya, ang utusan ay binigyaan niyaa ng ganitong bilin:

"Mula ngayon, Masunurin, ay huwag mo ng bigyan ng palay, gulay, at bungangkahoy an gating mga kapitbahay. Sapat na ang naibboogay natin sa kanila. Tayo man ay nangangailangan ng pagkain. Kailangan tipirin natin ang palay na natitipon sa kamalig upang hindi tayo kapusin."

"Iyan nga po ang sinasabi ko sa inyo," ang sang-ayon naman ni Masunurin. "Hayaan po ninyo at wala silang makukuhang palay mula ngayon."

Magbuhat noon,ay nagkaguton na ang mga tao sa Santa Monica. Sa gutom ng mga tao, pati na ang ugat ng mga damo at ugat ng mga kahoy aykanilang kinakain. Dumating ang araw na ang lahat ay wala ng magawang paraan upang maligtas sa kagutuman. Ang mga naninirahan sa puok ay nagtipon-tipon sa liwasan at nagpulong upang pasiyahan kung ano ang dapat nilang gawin.

"Ang mabuti ay tumawag tayo sa Dakilang Lumikha," ang payo ng isang matanda. "Siya ang nakapangyayari sa lahat at Siya ang dapat magpasya sa ating kapalaran."

At gayon nga ang inawa ng mga taga-purok. Nagsiluhod silang lahat at tumawag sa Dakilang Lumikha upang silay tulungan sa kanilang pangangailangan.

"Magandang-loob!" ang malakas na tawag ng Dakilang Lumikha, " halika't sagutin mo ang mga itatanong ko sa iyo!"

"Si Magandang-loob, "ani Dakilang Lumikha, "bakit ka nagmamaramot sa mga mahihirap? Bakit mo tinitiis na mamamtay sa guttom ang iyong mga kapit-bahay? Hindi ba't ang unang tungkuling itinuro ko sa iyo ay ang pagtulong sa iyong kapwa? Nalimutan mo na ba ang lupa't kayamanang ibinigay ko sa iyo ay hnddi upang sarilinin kundi upang gamitin sa pagtulong sa iyong kapwa?"

Si Magandang-loob ay sasagot pa sana upang mangatwiran nguni't pinandilatan siya ni Dakilang Lumikhaa. Nasilaw siya at halos napasubsob sa lupa.

"Sulong, Magandang-loob!" ang utos ni Dakilang Lumikha. "Pumasok ka sa loob ng kamalig at tingnan mo ang nangyari sa palay mong ipinagmamaramot sa iyong kapwa!"

Si Magandang-loob ay nakatungong sumugod sa kanyang kamalig, at anong laking himala! Isang malakas na ugong ang bumulaga sa kanyang mga tainga at susunsusong maliliit na kulisap ang nag-unahang lumabas sa pintong nakabukas. Hindi naglaon at ang papawiri'y nagdilim sa dami ng mga kulisap na nagliparan. Ang mga iyon ang unang balang sa daigdig.
Share this article :

Post a Comment

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. Pinoy Blogger's - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger