Alamat

2comments

DISCLAIMER
The owner of this blog or the IPS(s) hosting any content on this blog take no responsibility for the way you use the information provided on this blog, if you are affiliated with the goverment or an anti piracy group or any related group you connot use this blog, if you do choose to ignore these rules, the author or any in posssession is not reposible for your action pertaining to the information in this blog

This blog was made for educational and entertainment purpose only.


Ano ang ALAMAT?

  Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kwento ng mga mahiwagang pangyayari na nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan kaya't walang nagmamay-ari o masasabing may akda ito. Ang alamat ay kuwento na kathang isip lamang na kinasasangkutan ng kababalaghan o 'di pagkaraniwang pangyayari na naganap noong unang panahon.

  Ang alamat ay karaniwang tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran. Eto ay tumatalakay din sa mga katangiang maganda, tulad ng pagiging matapat, matapang, matulungin, at sa mga katangiang hindi maganda tulad ng pagiging mapaghiganti, masakim, o mapanumpa, Nguni't sa bandang huli ang kuwento ay kinapupulutan ng aral para sa ikabubuti ng iba. Ito ay sumasalamin sa kultura ng bayang pinagmulan nito.

  Sapagkat ang alamat ay karaniwang nagsimula noong unang panahon at nagpasalin- salin na sa maraming henerasyon, ang alamat ay pinaniniwalaan ng maraming tao na tutoong naganap dahil sa tagal ng pamamayani nito sa ating panitikan o sa ating kultura.

  Ang mga alamat ay nagkakaroon ng iba't-ibang bersiyon ayon na rin sa hangarin ng sumulat o nagpalaganap ng ibang bersiyon ng alamat. Eto ay maaaring sa hangarin na isanobela, isadula o isa-pelikula ang isang alamat.

  Halimbawa ang isang bersiyon ng alamat ni Bernardo Carpio ay sinasabing sadyang pinalaganap ng mga Kastila upang mapigilan ang namumuong himagsikan ng mga Pilipino laban sa mga mananakop.

  Ibang bersiyon naman ang pinalalaganap ng ibang mga magulang sa hangaring ang
kanilang mga anak ay huwag matakot kapag lumilindol sapagkat eto ay likha lamang
ni Bernardo tuwing nagtatangkang kumawala sa nag-uumpugang bato.

  Bagama't maraming bersiyon ang alamat, ang mga eto ay nagkakaisa sa
paglalarawan kay Bernardo na isang matipuno at makisig na lalaki. Ang pagkakaiba
ng iba't ibang bersiyon ay ang pagtalakay kung bakit, papaano, at sino ang naging
sanhi ng kanyang pagkaipit sa nag-uumpugang mga bato.

  Katumbas nito ang legend sa Ingles na mula naman sa salitang latin na Legendus. Sangay ng panitikang ambag ng ating mga ninuno bago pa man dumating ang mga kastila.

Mga Halimbawa ng Alamat:

Alamat ng mga Bayan at Lugar
Alamat ng mga Bundok at Bulkan
Alamat ng mga Prutas

Alamat ng mga Bulaklak at Halaman
Alamat ng mga Hayup
Share this article :

+ comments + 2 comments

September 7, 2012 at 9:13 PM

Thanks for sharing. More power to you
http://pinoy-students.blogspot.com/

Anonymous
March 7, 2013 at 6:57 AM

pwede po, iclassify niu din kung anong panahon yung bawat alamat? thank you po..

Post a Comment

 
Support : Creating Website | Johny Template | Mas Template
Copyright © 2011. Pinoy Blogger's - All Rights Reserved
Template Created by Creating Website Published by Mas Template
Proudly powered by Blogger